Hindi sa lahat ng pagkakataon kayang mong maghintay sa taong inakala mong iba sa lahat ng iyong nakilala. May mga panahon na nauubos din ang pasensha mo sa pagaakalang matutupad ang mga pangako niya. Sabi nga ni Bob Ong, ““Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.” Madaling sabihin di ba? Lalo na kung hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon. Pero tama, isang malaking katangahan ang pananatili sa isang relasyon na isinulat lang sa tubig. Malungkot di ba? Pero di ba’t mas malungkot ang manatili pa sa isang relasyon na wala naman kasiguraduhan. Mas malungkot mag celebrate ng monthsary mag-isa --- na tanging ikaw lang ang nakakaalala. Ikaw lang ang umaasa. Ikaw lang ang bumabati. Ikaw lang sumuslat. Habang siya, hindi mo alam kung buhay pa.
Hindi ba’t lahat naman tayo nangarap na maging masaya araw-araw? Na ang bawat mulat ng mata mo sa umaga kasabay din ng ngiti ng iyong labi dahil may isang taong sa iyo nagpaligaya. Pero mahirap hanapin ang tunay na ligaya sa isang tao. Hindi lahat ng makikilala mo makakasundo mo din at di lang yun, yung mamahalin ka din kagaya ng pagmamahal mo din sa kanya. Naka ilang relasyon ka na ba? Ilan na ang mga taong nagsabing iniibig ka nila? Pero di ba ngayon magisa ka pa din? Minsan di mo mapigil ang sarili mong mag tanong kung ikaw ba ang may kasalanan ng paghihiwalay nyo. Pilit mong inuulit-ulit sa utak mo king may dapat ka bang ginawa para hindi iyon magtapos. Tapos, pag lubog na ang mata mo, puti na ang buhok, namayat na sa kakaisip, at muntik ng mabaliw sa kakatanong, wala ka pa ding mahanap na matinong sagot. Ang saya di ba? Ikaw na ang nagmahal pero ikaw pa din ang nahihirapan.
Hindi maganadang isipin na malas ka sa pagibig. Sabi nga ng matatanda, wag daw ito hingin at baka lalong hindi ibigay. Pero kung tutuusin, wala ka naman talagang choice kung hindi ang magantay lang. Ke-umasa ka o hindi, magaantay ka lang. Tapos kung saka-sakaling dumating nga, paano mo masasabing siya na ang panghabang buhay. Hindi ba’t wala naman din talagang kasiguraduhan sa buhay. Kung yung mga magasawa nga ng sampung taon naghihiwalay din, ano pa ba ang laban ng apat na buwan.
Marapat na bigyan mo din ang sarili mo ng pagkakataong lumigaya. Kahit pa sa piling ito ng iba. Magbakasakali sa taong pwede ka ding mahalin. Yung taong magsasabi sa iyo na hindi ka nya sasaktan, ke-totoo o hindi, ang importante sinabi. Binigyan ka ng kahit onting kasiguraduhan. Onting pagasa na sa bilyong-bilyong tao sa mundo, may isang pwede kang ipaglaban.
Gusto ko ding sumaya, hindi naman masama yun di ba?
Love letters and idealisms by Noel Abelardo
2 comments:
coach purses, nike air max uk, hollister uk, true religion outlet, ralph lauren uk, sac vanessa bruno, ray ban uk, michael kors outlet, michael kors, sac hermes, polo lacoste, converse pas cher, nike air max, michael kors outlet online, nike air max uk, nike blazer pas cher, nike roshe run uk, lululemon canada, nike air force, guess pas cher, true religion jeans, mulberry uk, north face uk, hollister pas cher, burberry handbags, ray ban pas cher, uggs outlet, michael kors, michael kors outlet online, new balance, hogan outlet, timberland pas cher, kate spade, oakley pas cher, burberry outlet, replica handbags, coach outlet, michael kors outlet, uggs outlet, true religion outlet, michael kors outlet online, vans pas cher, abercrombie and fitch uk, coach outlet store online, nike free uk, north face, true religion outlet, michael kors outlet online, nike tn
moncler uk, canada goose, nike air max, replica watches, supra shoes, moncler outlet, canada goose, ugg,ugg australia,ugg italia, louis vuitton, vans, lancel, swarovski, coach outlet, wedding dresses, links of london, swarovski crystal, gucci, thomas sabo, hollister, barbour, ugg uk, louis vuitton, karen millen uk, canada goose uk, pandora jewelry, ugg pas cher, ray ban, marc jacobs, pandora jewelry, converse outlet, hollister, pandora uk, louis vuitton, montre pas cher, barbour uk, juicy couture outlet, converse, moncler, moncler outlet, ugg,uggs,uggs canada, ugg, canada goose jackets, pandora charms, canada goose outlet, moncler, canada goose outlet, toms shoes, canada goose outlet, moncler, louis vuitton, doudoune moncler, louis vuitton, juicy couture outlet
Post a Comment